Monday, April 16, 2012

Laro Tayo ng Agaw Siyota

Masarap talaga ang buhay kapag nagmamahalan kayo. Tipong committed at sweet kayo sa isa't isa at todong inlab ng tunay.  

Ngunit di natin maipagkakailang maraming problemang puwedeng dumaan sa pagiging mag-siyota niyo. May mga mis-understanding and stuff. Normal lang rin naman ang pagkakaroon ng selosan. Madalas ang selosan ay "more time" sa ibang bagay at "less time" sa relationship. Meron ding selosan dahil nakakaamoy na ng something fishy with a third party - the "another". At oo sis! Oo bro! May mga sadya talagang epal na nakikialam at umeeksena sa love-life niyo ng siyota mo. May mga nagkalap na ginagawang SIYOTA NG BAYAN ang mga siyota ng may siyota. 

If you're planning to be a mang-aagaw, here are my how-to's - unorganized advices for romantic panghuhudas.

If you have a siyota, these may be the signs shown by the umaaligid na gremlins.




Here's how to play Agaw Siyota:

1. Makipag-close ka sa target mo

Mabuti nga kung magiging bridge ka nilang dalawa at ikaw ang magiging confidant nila lalo pag may problems sila. Be the "Bespren". Nakupo, tuwing nag-aaway sila, puwede kang bumanat ng "Wag kang mag-aalala, andito lang ako." - wag lang kung bago pa, tantsahin mo kung kelan mo na 'to puwedeng sabihin. 
Kung nagku-cool off sila, samahan mo. Advice-advice birada! Ikaw ang shoulder to cry on! Wag mo lang iba-bad talk o sisiraan yung siyota niya sa kanya. Wag magmukhang HATER.

2. Create a comfortable environment
Siyempre dapat nakakafeel yung pinupuntirya mo ng comfort pag ikaw ang kausap at hindi ka basta-bastang pagdududahan ng siyota niya kung pati yung siyota ay comfortable with you. 
Tiisin mo lang mga kuwento ng siyota niya about how happy their relationship is. Siyempre nakakainggit and "you wish you were him/her." Chill. Tutal the prize is worth it! Makakabawi ka sa halik!

3. Use the being BESPREN wisely
Mag bonding kayo ng siyota niya para legit kung kayo ang mag-"babonding" ni target. I-show mo kung gaano ka ka-thoughtful na friend sa kanya and that you care. Kamustahin mo siya at sila ng siyota niya para kumbinsido siyang true friend ka. Tiisin mo lang ang sakit ng selos. Mag-greet ka tuwing monthsary nila. I-date mo silang dalawa!

4. Wag magpahalata
Itago mo ang ulterior motive mo. Kapag nagpapakita na ng konting cheesiness yung target mo, wag kang papatol ng big-time. Patience muna. Dapat makilala ka niya bilang "hindi ganun". Hindi ka kaladkarin. Sa bawat step na i-teteyk mo, importante ang timing. Alamin ang mga aspect na hinog na and grab the opportunity - sa mga di pa lutong bagay, relax. Discrete mode! 
Magkakaroon ng times na atat ka na ng sobra and you wanna tell your target everything you feel. Have a grip on yourself and keep your composure. Parinig ka nalang sa FB.

5. Direct subliminal messaging

I-flatter mo siya from time to time. para kang nanliligaw. Tipong friendly pero may tagos. Pag nagkita kayo magandang sabihin ang "You look gorgeus", "You look dashing", etc. O di kaya "Answerte talaga ng siyota mo sa'yo. How I wish I could have someone like you." - or something like that. 
Pakita mo sakanya kung gaano ka kasaya kapag kayo'y magkasama at dapat mafeel niya yung slight na pag-iiba ng mood pag magkasama kayong 3 with the siyota.

6. Look right
Darating ang panahon na mapapansin na rin na may something na kayong dalawa. Pag nagsimula nang magselos ang siyota niya, sure na mag-aaway yung dalawa kasi partly guilty na si target kahit papano at on the surface nga naman e wala kayong maling ginagawa. Mahirap na sitwasyon ito. 
Try mong kausapin yung BF - it seems right kasi. Ipalabas mong mabait ka at nirerespeto mo yung relationship nila. Pero pag si target ang kausap mo, subliminally communicate sa kanya ang pagiging mali ni siyota. And I think it's during these times na puwede kang magsabi ng mga tipong "Kung ako sa kanya, di kita pagdududahan. Alam ko kung gaano mo siya kamahal." At dahil nga mejo kuha mo na ang loob niya, you'll get a pity hug.
Holding hands mo agad - tipong part-time lover.

7. Indirect parinig mode

Sa panahon ng social networks, lahat ng tao ay nagbabasa ng "status posts". Ibalandra mo ang mga  hinaing ng puso mo sapamamagitan ng song lyrics and quotes related to the situation like:
"Hey hey you you, I don't like your girlfriend -Avril Lavigne", 
"Mahirap talagang magmahal ng siyota ng iba -APO" 
or something more subliminal ba. 
Siyempre magkaka-roon ng maraming likes or retweets and reblogs yan! Post ka rin ng mga text photos with those kinda messages.
Mapapansin yan ng target mo kasi siyempre sweet kayo sa chat. Makakafeel siya ng vice versa at kung papalarin ka'y soon mababasa mo ang stat post niyang "We had the right love at the wrong time #BarryManilow". 
Pag nagduda ang siyota niya, siyempre easy excuse naman ang "sount trip" lang 'to.

8. Confront when you should
Malalaman mong nagbubunga na ng wagas ang seeds of evil mo kung mapapansin mong nagkalamigan na silang dalawa sa kaka-away at di ka na nakaka-usap ng mabuti ng siyota niya. That's the time when you could say "Why don't we try us?" At siyempre maghahanap nalang ang target mo ng paraan para swabe ang transition from the siyota to you. Help in planning that. It may take time pero months lang yan. 
Go you! And congrats! Sana lang di mangyari sa inyo yung nangyari sa kanila. You got a new siyota! Apir! "Hindi ka kaladkarin! Marupok lang!" - the ending excuse.



Malamang may mga bagay pa akong di nabanggit na puwedeng gawin dito. Di kai ako magaling umepal sa mga relationships. Ang ineepalan ko lang e yung kasiyotaan ng mga kapatid at kapatiran ko siyempre - family matters yan. Kung may idaragdag kayo reader eh I'd be happy to have em sa comments below! :D

Para sa mga naghahanap ng more advices on how to make agaw siyota, gayahin ang mga gawain ni Jacob to get Bella sa "New Moon".

Pero dapat may abs ka. Okay na kahit sa noo.

Sa opinyon ko, di naman siguro masamang may magustuhan kang may siyota but it's kinda off kung di mo rerespetuhin ang relationship nila. Di naman siguro masamang maging confidant ng magsiyota kahit may gusto ka sa isa sa kanila pero i-sure mo ang MOTIBO mo when you say things to them, lalo na sa "kanya". Tempting talagang umepal but remember "fools rush in". Wag kang nanta-talo. Ikaw kayang may siyota, di ka naman papayag na may mag-flirt sa kanya diba? Do not do unto others what you don't want done to you by others. Ang malala pa'y kung mangangagaw ka ng siyota ng iba habang may siyota ka rin. My advice, "Kung di ka makatulog, magpatulog ka naman." Nagpapaka-ewan ka, wag kang mandamay. Huwag ka nalang magpaka-ewan kaya.

Wag tayong flirty, malandi, maharot, kerengkeng, makati, haliparot, garampang, bigatlan, igat, bigaon, garampingat etc.

Basta a! Magpakabait tayong lahat! Instead of spreading gossip and legs, let's spread good news and make the world a better place!

Listen to this song nalang by one of the OPM Legends, 
Grin Department, "Siyota ng Bayan"!

2 comments:

  1. nyahahaha. dami kong tawa! Salamat sa mga tips! :p

    http://daydreamore.wordpress.com/

    ReplyDelete