Saturday, February 7, 2015

The Crunchies - "PAPAYAT DIN AKO" (feat. MJ Ilejay) [Officical Lyric Video]






Papayat Din Ako
Performed by: The Crunchies
Composed by: K. Feria, D.C. Biala, Cz Ilumba
Lyric Video by: Lyntoi Lapore

Produced by:
Orman O. Manansala
Hon. Dominador S. Lagare III

Copyright The Crunchies 2015


Lyrics:

PAPAYAT DIN AKO

Taon-taon nalang
New Year’s resolution ko ang magpa-payat
‘Tuwing Enero na
Nagpa-promise na magdi-diyeta
Gigising ng maaga
Sasama sa barkada’ng mag-jogging
Kakayaning hindian
Ang litsong paksiw at kanin

Grabe ang kain ko
Mula nung pasko
Sa mga outing at reunion
Hanggang bagong taon

Ano nang gagawin
Sa kabilbilang habilin
Ng sobrang maligaya
At manigong selebrasyon oh

Papayat din ako
Papayat din ako
Relax lang kayo’t
Babalik ang aking alindog oh
Papayat din ako
Papayat din ako
Gagawin ang lahat
Kahit pa magka-abs sa noo
Papayat din ako

Bawat buwan nalang
Merong birthday, merong handaan
At ‘tuwing merong kasal
Ako ay inaanyayahang
Kumain, kumain
Kain lang ng kain
Kumain, kumain, kumain

Ang hirap nito
Masikip na ang t-shirt ko
Kailangan nang buksan
Ang butones ng pantaloon ko

Ano nang gagawin
Sa kabilbilang habilin
Ng sobrang maligaya
At manigong selebrasyon oh

Papayat din ako
Papayat din ako
Relax lang kayo’t
Babalik ang aking alindog oh
Papayat din ako
Papayat din ako
Gagawin ang lahat
Kahit pa magka-abs sa noo
Papayat din ako

Nakatingin sa salamin
Naririnig ang bulong ng damdamin

Kumilos ka na
Huwag ka nang magtamad-tamaran
Mag-umpisa ka na
Huwag mo nang antayin ang Monday
Para mag-Zumba, Zumba
Libre sa mall at plaza
Mag-Zumba, Zumba, Zumba, Zumba

Papayat din ako
Papayat din ako
Relax lang kayo’t
Babalik ang aking alindog oh
Papayat din ako
Papayat din ako
Gagawin ang lahat
Kahit pa magka-abs sa noo
Papayat din ako

Papayat din kayo
Papayat din ako


ABANGAN NINYO ANG EPIC MUSIC VIDEO NG EPIC NA KANTANG ITO!
VERY SOON!