Tuesday, March 20, 2012

Bespren lang ba talaga?

Salamat kay Mac2x at Donna sa pagmomodel

Marami akong nakilalang mga babae (di tombabels) na lalaki (di bading) ang kanilang bespren.  Bespren lang ba talaga?

Nagsisimula madalas ang bukingan ng mga may HD (hidden desire) sa kanilang bespren kapag nagkakaBF na ang girl.

Here are random facts na nascoop ko from observing.  Nawa’y matulungan kayo nitong maka-iwas sa bespren vs boypren giyera.



1.    Endearment bebe
Ang magbespreng girl at boy na may cheesy endearment ay kapanga-pangamba.  Alam na alam nating mga pinoy na having a “tawagan” na sweet between close friends might start a “pwedeng maging tayo” feel.

Iba naman rin yung tawagang asaran.  Chox lang yun – ganun ang magkakaibigan, nang-aalaska sa biruan. Okay lang rin yung mga tipong “tol”, “sis”, and other kapatiran.

I suggest na kung ang motibo mo sa boylet mo ay pambespreng wagas, wag mo nang umpisahan ang paswit-swit.  Baka magdrama ka pag narinig mo silang nag-eendearment din ng GF niya.

2.    Physical touch
Hanggang saan nga ba ang level ng hawakan ng magbespren?  Kasali ba rito ang wagas na holding hands?  May lips to lips ba rito?  May kandungan ba? May lampungan?

I personally don’t mind the display but the affection has significance.  Check it parang awa.  Baka mamis-interpret ka rin ng bespren mo’t maging dahilan ang kalambingan niyo sa pagiging hulog niya sa’yo at masaktan pa siya dahil “bespren lang talaga.”

The only time though that I’d mind the display is that if you’re my girlfriend and you choose to hold his hand instead of mine when were together three. Hustisya!!!

Or unless manyak ka. Pa-exorcist ka dun. Kili-kili mo may bangs.

3.    Timbang na kawindang-windang
Sinong pipiliin mo kapag magkasabay kang inimbita ng bf mo at bespren mong magdate at gusto kang solohin ng bawat isa kasi “matagal na” kuno kayong di nagsasama.

Ang tunay na bespren ay kumakapatid sa’yo at marunong umintindi sa tawag ng kakiligan ninyo ng BF mo.

Ang tunay na BF ay binebespren ka rin pero alam niyang alam niyong dalawa na ang tawag ng kilig ninyo’y para sa isa’t isa.

4.    Counting thoughts
Sino bang mas madalas mong binabanggit?  Ang pangalan ng bespren mo o ang sa boypren mo?

Ang masaklap nito kung madalas mong binabanggit ang bespren mo sa boypren mo.

Isa pang masaklap ay kung inlab na sa’yo ang bespren mo at kaw naman ‘tong inlab na inlab sa bf mo’t panay ang kuwento.

Ang problema pa’y kung sa mga kuwento mo’y daha-dahan mo nang narerealize na one of them is a “He makes me laugh” and the other is a “He takes my tears away.”  Goodluck sa biga-biga. Feeling bella!

5.    Overprotection
Even the BF has no right to overprotect you.  So if your bespren does, ask him of his motives toward you.  Di naman masamang magustuhan ka ng bespren mo e basta’t klaro kung klaro lang.  kung gusto mo rin siya, tama nang panloloko sa BF mo.  Kung wala ka pang BF, wag na maghanap – lucky you’re in-love with your bespren birada na.

Parang MOA. State each other’s extents of commitment.  Be open sa motives. Parang apoy kasi ang kalandian, kahit itago sa ilalim ng kama, liliyab at liliyab ‘yan.


Wala namang masama siguro sa besprenang girl-boy.  Nararapat lamang talagang di nito tatapakan ang iba pang relationships ng constituents nito sa family, other friends and kachisihan hardcore.

Girl, you can keep your bespren even when you have a BF, just make sure sa motibo mo with your bespren and make sure din na hindi inlab sa’yo ang bespren mo. 

Boy, kung may BF ang bespren mo, ‘wag kang epal at maging kaibigan ka as what you are and support them.  Parang best man ka ng bride sa kasal kumbaga.  
Wag kang paulti-ulterior motive.

BF, wag ka namang masyadong praning. Trust well pero wag lang rin tatanga-tanga. 

Basta ako single at walang “bespren”. Apply ka? Wahahahaha
Dal-a kog sushi, ok lang.

Aral muna tayo ng mabuti a!



2 comments: