Di ko sure kung mali ba 'to o ewan pero ang sosy lang talagang sambitin. |
Ako ay isang pawising tao and I like it kasi sabi ng medical friends, it's a sign of good metabolism. Though minsan ay napagkamalan na akong nagshashabu dahil sa sobrang bilis kong pagpawisan at endless likot.
Pero anyway, we sweat for kaba - worry, anxiety, etc.
Sabi nga ng encyclopedia, anxiety is considered to be a normal reaction to a stressor. Ang mga external physical senyales nito ay pallor/pamumutla, sweating, trembling, and pupillary dilation. Someone who has anxiety might also experience it subjectively as a sense of dread or panic.
Here are a few things na naobserve ko na nagiging rason ng kaba induced sweating.
1. Bistuhan
Yung moment nga na ang ipinaalam mo sa girlfriend mo na may group study kayo tapos tulad pala kayo ng bar na pinuntahan at may kasama kang chix. Kasabay ng sinlaki ng buto ng suha mong pawis e siguradong kasing putla mo na si Edward Cullen (Pronounced as Kul-Yen). Siya rin magmumukhang Bella (pronounced as Bel-Ya) lalo kung may lalaki rin siyang bitbit.
Magpakaloyal and trustworthy ka nalang kaya para makeep mo ang natural skin color mo? XD
2. Nauutot ka sa loob ng elevator na puno
Tulad lang rin ito ng moment na nasa taxi ka in the middle of traffic or nasa tricycle on the way to your home kung saan plano mo nang magjebs. Nakakatayo ng balahibo pag umeevaporate na ang pawis at lalong nakikiliti ang mga excretory apparatus mo.
Try mo nga minsan pag wala kang trip, iutot mo na talaga at i-blame mo sa katabi mo sa elevator.
Ingat kasi sa pagkain. Kung-anuano nalang nilalagay mo sabunganga mo - hanggat kayang isubo e nilalantakan. Isipin mo nalang, anumang food yan, mas masarap pa ako jan. Nyahahaha
3. Kausap mong crush mo
Etong nginigan. Tipong aside sa nanginginig ka na sa kilig, e kinakabahan ka pa't nagpapanic ang dila mo about the next thing to say.
At tatapusin pa ito ng possibility na habang naguusap kayo dun ka pa nakafeel ng najejebs ka na pala. Omaygas. Kakabahan ka rin sigurong magpaalam ng "Excuse me muna crush ha, tatae lang ako."
Di naman sa sinsasabi kong maging paranoid ka pero dapat kung anong hitsura't kalagayan mo, as much as you can with your human potential and slight imperfection, e kahit papano nawa'y handa kahit Diyos pa ang makaharap mo - tipong di ka plastik pero sure ka na ikaw 'yan. Maging aware pero 'wag naman maging STRAW - plastik na nga, sipsip pa.
4. Stage fright
Have you ever tried stuttering pag nagrerecite sa klase? Yung tipong mamemental block ka in the middle of a recitation or a performance tas kung anuanong mga mannerism mo ang lumalabas if not nakatulala ka na ng wagas? Yung feeling mo naninigas na ang mga buto mo't di mo maigalaw ang katawan mo sa sayaw?
Di ko pa natry. Kapal ng mukha ko e. Share lang. #kekwang
Pero di nga, para makaiwas sa mental block on-stage, one of my teachers once said "Masturbate your mind for an ejaculation of ideas." Readiness, sa public recitations and performances atbp, ay di lamang sa memorize mo ang steps and lines mo. Kailangan sanayin mo ang sarili mong harapin ang audience.
Here's a tip: sabi ni Kuya Julius, "Kahit lima lang ang dumating na tao sa concert tonight, play like you're in front of 50,000"
Don't let your audience affect the quality of your performance. Let the quality of your performance affect your audience.
5. Naglalampungan kayo ng siyota mo
At sa sobrang init ng inyong horny time ay tumatagaktak ang pawis mo kasabay ng pag-lakas ng pintig ng puso mo at pagrush ng dopamine at mga kung anu-anong hormones at pheromones sa katawan. Nalalapit kayo sa JERJER!!!
Girl, kung ayaw mong ma-fregnant de gulat, huwag pipikit pag nakikifag lefstolefs o kiss to kiss basis.
Marami pa namang ibang dahilan ng kaba at on the spot worry - kiss to kiss basis nga naman. There's something about worry though that I've learned para naman maiwasan ang impulsive decisions in the middle of panic.
Unang-una, why worry when you can stop a while to plan and pray? But remember that praying is asking God for wisdom on what to do not asking him to do the choice of actions for you. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Magdala ka ng panyo. Mabuti ng prepared.
Uminom ng tamang amount of water everyday. Baka may grabeng insidenteng uubusin ang body moisture mo sa sobrang anxiety at madehydrate ka. Our bodies are made up of 70% water ika nga.
I don't use anti-Ferspirants sho i shugesh gamit chayo ng deodorant. Di lahat ng tao gusto ang amoy mo. Be considerate. Wag din sobra-sobrang lagay ng mga pabango. Alam niyo bang sa iilang lugar sa mundo ay pinagbabawal ang perfumes? Mey mga tao kasing allergic sa mga contents ng mga ganyang bagay kaya pag-hinayhinay.
Sweat ka ba? Kasi ang tamis-tamis mo. XD BANAT LANG!!!
No comments:
Post a Comment